Site Overlay

“Isa Pa With Feelings”

Ang ating pagmamahalang
Nagsimula sa mumunting ilaw ng “Xmas lights”.
Pahintulutang lumiwanag sa puso natin
At ilayo tayo sa dilim ng kahapong karanasan.
Hayaang lunurin ng katahimikan
Ang ating pagmamahalan
Hayaang ang nakakabinging katahimikan
Ay malunod ng dumadagundong na tibok
Ng dalawang pusong nagmamahalan.
Hayaang pag-isahin itong pintig ng ating mga puso
Hayaang ako ang maging musika mo,
Hayaang ako ang maging pandinig mo, giliw ko
At hayaan mong ang pintig
ng dalawang pusong nagmamahalan
Ang marinig at maramdaman
Bumubulong …
“Ako’y sayo, ikaw ay akin”

October 21, 2019

%d bloggers like this: